Dramatista

Tapos na ang isa, oras na ng pangalawa ^___^ kung nais makita ang bago kong mundo...isulat ang www.ang titulo at ilagay ang mga paborito kong numero.blogspot.com huwag maging pilosopo...di yan ang url...hulaan na lang

Thursday, October 07, 2004

-Dramatics: ika-siyam na pahina, saya at ligaya?-

Dapat siguro nagsasaya na ako ngayon…bakit? Tapos na ang lahat. Tapos na ang impyernong linggo (kung tawagin nila) salamat sa Nasa-Itaas at buhay pa ako. Hindi ko inaakalang kaya kong lagpasan ang linggong ito. Kaya salamat nalang ulit sa Kanya.

Sa katotohanan lang hindi pa naman tapos ang lahat, meron pa, pero ayos na rin na nabawasan. Meron pa ako/kaming kailangan gawin sa darating na sabado at linggo…pero sa aking palagay kakayanin ko na ito. Marami sa mga suhektong aking inaaral ay tapos na. Wala ng mga mahabang pagsusulit (liban nalang dun sa mga sobrang haba) at tapos na ang mga madugong trabaho na pagharap sa mga taong walang pakialam sayo habang dumadaldal ka ng mga bagay na ayaw at hindi nila iintindihin at naiintindihan.

“tapos na pala eh bakit di ka pa masaya?”, maraming dahilan. Baka hindi magkasya. Kaya wag nalang. Bakit ayaw ko sabihin? Kasi hindi lahat ng bagay sa mundo dapat malaman ng tao. Hindi lahat ng bagay sa mundo naayon para sa iyo. Hindi lahat ng bagay sa mundo ay susunod sa (galaw mo? Hehe konting patawa lang) gusto mo. Bakit pa ako nagsulat kung di ko rin naman sasabihin? Ito lang ang masasabi ko

KANYA KANYA LANG TAYONG DISKARTE SA MUNDO…PUMILI KA NG GUSTO MO AT HUWAG MONG IKAHIYA ANG NAPILI MO. DAHIL IPINAKIKITA NITO ANG TUNAY NA IKAW.

Wala lang, eto pwede pagmunimunihan. Isa ito sa mga paborito kong tula. Oo, walang koneksyon pero nakasanayan k ona kasing tapusin ang isang “entry” na may tula eh kaya ito nalang. Maganda naman ito eh.

Nasaan ang Butas ng Donut?
Ni
Ronan Capinding

Huwag mong hanapin
Ang sarap sa butas ng donut.
Ang sarap nito ay hindi mo makikita sa butas ng donut.

Ang sarap ng hinahanap mo
Sa butas ng donat
Ay talagang wala doon sa donut na iyon.
Ang sarap na iyon ay
Malamang nasa iba pang donut
Dahil doon sa donut na pinaghahanapan mo ng sarap
Kinuha ang harina upang gumawa muli
Ng panibagong donut.

Wala sa butas ng donut
Ang tunay na sarap na hinahanap mo.
Ang sarap ay mismong donut
At ang iba pang donut na katabi nito.


Napaisip ka ba? Mainam, ganyan dapat. Pero hindi naman ganun kalalim yung tula. ngunit hindi ba maganda pa rin siya? Napakagaling, simple ngunit malaman…nakabubusog.